Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inmate patay sa bugbog ng 4 kakosa

0 149

Nasawi ang 40-anyos na detainee matapos diumanong pagtulungang bugbugin ng apat na nakaaway niya sa loob ng piitan sa Binondo, Maynila kamakalawa.

Hindi na umabot ng buhay ospital ang biktimang si Pascual Magora. Habang iniimbestigahan na ang apat na suspek sa pambubogbog sa biktima. Nabatid na alas-siyete gabi nang nakitang nag-aaway ang biktima at isa sa kasama nito sa loob na umabot sa suntukan na agad namang naawat ng duty jail officer.

SM food to go Banner Ad

Alas-10:00 ng gabi, nang nakita na nakikipag-away muli ang biktima sa dalawang iba pang kakosa at nauwi din sa bugbugan hanggang sa magreklamo na ang biktima na hindi siya makahinga kaya isinugod sa pagamutan.

Sa record ng pulisya, ang biktima ay nakulong noong Agosto 24 sa paglabag sa unjust at alarms and scandal.

Isasailalim sa awtopsiya ang biktima para matukoy ang ikinamatay nito bago i-inquest sa Manila Prosecutors Office ang mga suspek na nambugbog diumano sa kanya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.