Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inmate tigok sa selda

0 83

Isang preso ang namatay habang inoobserbahan pa sa ospital ang kasamahang inmate na natagpuang kapwa nakahandusay sa loob ng kanilang selda sa Novaliches Police Station, sa Quezon City nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon alas-5:40 ng madaling araw nang matagpuang walang malay ang dalawang preso na sina Edwin Argate, 51, at Rodrigo Parma. Ipinagbigay alam ng isa pa nilang kakosa sa duty jail officer na nakita niyang nahihirapang huminga sina Argate at Parma hanggang sa nawalan ng malay ang mga ito.

SM food to go Banner Ad

Dahil dito ay agad na isinugod sa Novaliches District Hospital ang dalawang nabanggit na preso subalit bandang alas-8:00 ng umaga ay binawian ng buhay si Argate.

Sinisiyasat pa ng mga awtoridad ang sanhi ng ikinamatay ni Argate. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.