Abante Tonite Interactive

Inokray na anak ang asawa

Ai-Ai imbudo sa mga basher

310

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

 

Laugh out loud ang diva that you love sa prangkang patutsada ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang mga hulog na basher.

Ang nakakaloka at nakakatuliro naman kasi sa mga katka­terang mga ito, hindi na maka-move on sa katotohanang maalindog, mahalimuyak at marikit na marikit pa rin ang nag-iisang Phi­lippine Comedy Queen.

Yes, marami ang mga pretender to her throne at umaasang maging heiress apparent tulad nina Eugene Domingo, Pokwang at Rufa Mae Quinto pero sa bukod tanging ina nating lahat ang may lehitimong karapatan sa title.

Ang kanyang hanash sa IG para sa kanyang husband dearest with matching patutsada sa mga vapid basher at haters, “Happy 58 monthsary my darling .. salamat sa iyong pag mamahal labyu so much ❤️❤️❤️( try natin magpa-pictorial minsan hehehe😜) Dun sa mga bashers na nagco-comment ng anak ko si ge­rald jusko mag move on na mag isip naman kayo ng ibang bash ang lumaaaaaaaa!!!!!! ANG BOBONG COMMENT — isip naman ng bago —Millenial na o .. sumabay naman kayo sa bago!!!!! ……. anyways HAPPY MONTHSARY NAK 😂ay KUYA PALA HEHEHE @gerald_sibayan.”

O, hindi ba, sa pahayag na iyan ni Ms. Ai-Ai, tiyak nanginig ang mga laman at bumula ang mga bunganga ng mga nagmamagaling pero mga mahina naman ang kukote. Beh! Buti nga sa inyo!

Ang Comedy Queen has spoken. Itigil na ang mga talak na walang wawa. Kaunting kahihiyan naman.

Sa ibang bahagi ng mundo, hindi na pinagtataasan ng kilay o pinagdadabugan ng bangs ang mga relasyong may malaking age gap maski itanong niyo pa kina Ca­therine Zeta-Jones at Michael Douglas, France’s President Emmanuel Marcon and First Lady Bridgette Marcon, at kay Stephen Fry at Elliot Spencer.

25 years younger si Jones kay Douglas, ganun din si Emmanuel kay Bridgette. Si Elliot, 30 years younger kay Fry.
Sa mga basher ni Ms. Ai at pagmamahalan nila ni Gerald, kapeng barako na walang sugar at cream, pakilaklak para naman nerbiyusin kayo bago kayo kumuda at humanash!
***

‘Kara Mia’ pauurungin ang yagbols ni Cardo Dalisay?

Ang kambal bungong sina Kara Mia, na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz ay ipantatapat sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Alam naman natin lahat nang ipinantapat sa Rodel Nacancieno starrer, hindi umubra, maski itanong niyo pa sa huling isinabong rito, ang “Cain at Abel,” sina Kara at Mia na nga kaya ang makakapagpa-urong sa bayag ni Cardo?

Kaabang-abang na pagtutuos or your guess is as a good as the diva that you love?