Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inoperahan sa tuhod: Pringle ekis sa Govs’ Cup

0 234

Inihayag ni Barangay Ginebra head coach Timothy Earl Cone na tuluyan nang out for rest of season ang guard na si Stanley Pringle matapos itong sumailalim sa operasyon sa inirereklamo nitong mga tuhod.

Ipinaalam mismo ni Cone na hindi na makakalaro sa ginaganap na ikalawang komperensiya nag tinanghal na 2020 Best Player of the Conference matapos na sumailalim sa operasyon habang nagpapahinga ang liga at ilang araw bago matapos ang taon dahil sa iniinda nitong meniscus injury sa kaliwang tuhod.

“He will be out for three to six months – six weeks of non-weight bearing therapy and six weeks of weight-bearing therapy,” sabi ni Cone sa mismong gabi bago pumasok ang New Year. “That will put him out of the Governors’ Cup.”

Optimistiko naman si Cone na makakayanan ng Gin Kings ang pagkawala ni Pringle na kinukunsidera nitong isang malaking kawalan sa pagnanais nito na maipagtanggol ang bitbit na korona ng PBA Governors Cup.

Tanging nakapaglaro lamang si Pringle para sa defending champion na Gin Kings sa ginaganap na torneo sa unang laro ng Barangay Ginebra kontra Alaska Aces na napanalanun nito, 80-77.

Hindi na ito nakalaro sa sunod na laban matapos na masaktan muli ang tuhod sa ensaryo ng koponan matapos na magkabanggaan ni MJ Ayaay.

Unang ikinatakot ng koponan na nagtamo ito ng ACL injury, bago nakahinga sa ikalawang pagsusuri.

Ang 33-anyos na si Pringle ay kasama pa rin sa Gin Kings bench na nagawang biguin ang Phoenix Fuel Masters sa overtime, 125-121, isang linggo bago mag-Christmas. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.