Abante Tonite Interactive

Inosente ako! — utol ng pinatay na negosyante sa Subic

0 209

Wala akong kinalaman sa pagpatay sa kapatid ko.

Ito ang giit ni Dennis Sytin, nakababatang kapatid ng pinatay na negosyante sa Subic na si Dominic Sytin, at itinuturong mastermind ng krimen.

Lumutang ang pangalan ni Dennis matapos itong ituro ng naarestong gunman na si Edgardo Luib alyas ‘Injeck’ na dinakma sa bisa ng warrant of arrest noong Marso 5 sa sa Palmridge Subdivision, Filinvest, Sta. Maria, Sto. Tomas, Batangas.

Abante Hiring – IT dep

Ani Dennis siya lamang umano ang sinisisi sa krimen habang ang tunay umanong responsable ay patuloy na nakakalaya at hindi naiimbestigahan.

Sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na itinuro mismo ni Luib si Dennis bilang utak sa krimen at posible umanong away sa negosyo ng magkapatid ang motibo sa pamamaslang kay Dominic.

Matatandaang napatay si Dominic, ang founder at chief executive officer ng United Auctioneers Inc. matapos pagbabarilin sa labas ng Lighthouse Hotel noong Nobyembre 28, 2018.