Abante Tonite Interactive

Insan hinataw ng tubo sa ulo

0 253

Kritikal ang isang lalaki matapos hampasin ng tubo sa ulo ng nakaalitang pinsan makaraang magtalo ang dalawa sa hindi pa malamang dahilan kamakalawa sa kanilang compound sa Barangay Plainview, Mandaluyong City.

Sa report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na si Christian Abraham y Anover, 29, matapos saksakin ng tubo sa ulo ang nakaalitang pinsan na si Denmark Magan y Sabas, 33, kapwa taga-GK Suntaville Compound, Brgy. Plainview, Mandaluyong City.

Naganap ang insidente bandang alas-dos Huwebes ng gabi nang magtalo ang magpinsan sa hindi pa malamang dahilan na nauwi sa sakitan kung saan nang makakuha ng tubo ang suspek ay agad na hinampas sa ulo ang pinsan.

Nahinto lamang ang pangyayari nang tumumba na ang biktima at humingi ng saklolo na agad na dinala sa Mandaluyong City Medical Center subalit sa tindi ng tinamong pinsala sa ulo ay pinayuhang ilipat sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.

Kusang-loob namang sumuko ang suspek sa Bantay-Bayan ng Brgy. Plainview at Mandaluyong police para harapin ang isinampang kaso ng mga kaanak. (Vick Aquino)