Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Insekto sa hapag-kainan

0 196

Madalas na nababanas tayo kapag may insekto sa ating kinakainan. Pero, ito pala ang susunod na superfood trend – ang pagkain ng insekto!

Dito sa atin, matagal nang may kumakain ng mga kuliglig o crickets. Pero sa Amerika at Britanya, kamakailan lamang ito naipakilala sa mga menu ng ilang restaurant.

Noong 2013, hinikayat ng United Nations ang mga kultura sa buong mundo na gayahin ang ginagawa ng may 2 bilyon kataong kumakain na rin ng insekto, para raw hindi agad maubos ang ating kasalukuyang food supply. Puno rin kasi ng nutrisyon ang mga insekto. Pero bakit ayaw ng ilan ito (entomophagy o pagkain ng insekto)? Siyempre, mayroon kasing kadiri “factor.”

Alam n’yo bang ang kuliglig ay napakataas ng protina at fiber? Sa mga kumakain nito, dumarami ang probiotic bacteria at nababawasan ang pamamaga ng mga ugat sa katawan.

Narito ang recipe ni James Ricci, isang entomologist at co-founder ng Oxipost, isang kumpanya ng insect farming. Humuli ng mga kuliglig. Ilagay ito sa freezer. Kinabukasan, hugasan sa isang colander para matanggal ang mga paa. Tuyuin at buhusan ng honey vinegar. Iprito sa kawali gamit ang olive oil na may serrano. Makalipas ang 3 hanggang 5 minutong pag-prito, ilagay ito sa isang baking sheet, taktakan ng honey drizzle, at i-bake sa 225 degrees ng 15 hanggang 20 minuto. Ayos na ang iyong serrano honey cricket na puwede mong partneran ng coleslaw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.