Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inside job sumingaw sa BOC exec ambus

0 82

Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na mayroong kinalaman sa kanyang trabaho ang pagpaslang sa isang senior official ng Bureau of Customs (BOC) na tinambangan sa Maynila kamakailan lang.

Nagsasagawa na ng hiwalay na pagsisiyasat ang NBI-Special Projects Division sa pamamaslang kay BOC Chief Customs Operator Eudes Nerpio, na binaril at napa­tay sa loob ng kanyang sasakyan habang nasa Binondo.

Ito’y matapos magpasaklolo sa NBI ang pamilya ng biktima para magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa pagkamatay nito.

Nagsasagawa rin ng imbesti­gasyon ang Manila Police District sa nasabing insidente.

“We have leads that say the slaying of Chief Nerpio is work-related – the next step would be to determine if the mastermind is from within the bureau or an outside transaction that went sour,” ayon sa NBI Division head na siyang namumuno sa imbesti­gasyon.

Subalit tumanggi ang NBI na magbigay ng karagdagang detalye sa alegasyon na sangkot diumano ang pinaslang na opisyal ng BOC sa mga ilegal na transaksiyon.

Isa pang source sa NBI ang nagsabi na kasalukuyan nang nasa kustodiya ng ahensiya ang babaeng kasama ni Nerpio nang barilin ito ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

“The witness was unharmed by the assassins, which showed Ner­pio was the target,” sabi ng source.

Nauna rito, base sa impor­masyon ay kabilang umano si Nerpio at 13 pang mga ranking official ng BOC na tinukoy sa isang memorandum na humihiling na imbestigahan ang hinalang pag­kakasangkot nila sa korapsiyon.

Tinawag nang “death list” ang naturang memorandum matapos na targetin ng mga killer ang dalawang opisyal na kasama sa listahan. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.