Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inspection system ng DOTr, LTO kakalkalin sa Kamara

0 91

Iimbestigahan na rin ng House Committee on Transportation ang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) project ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO).

Sa House Resolution No. 1518 ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriquez, nakasaad na ang mga itinalagang private motor vehicle inspection center (PMVIC) ng LTO sa buong bansa na siyang sumusuri kung sumusunod ang isang sasakyan sa standard, hindi lamang sa emission kundi maging sa roadworthiness ay dinagsa ng maraming reklamo.

“There are already numerous reports of inconsistencies and anomalies regarding these private inspection centers. These complaints prove that PMVICs do not have people with enough training and knowledge, and the right and reliable equipment to do the task the LTO has assigned them, and for which service they are allowed to collect excessive fees from motor vehicle owners,” ayon kay Rodriguez.

Dahil dito, dapat umanong suspendihin ang implementasyon nito habang iniimbestigahan ang mga reklamo. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.