Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Intal pinatibay ng bully sa volleyball

0 158

Kilala ngayong isa sa mga astig na balibolista sa bansa si former University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at Ateneo Blue Eagles star Rex Intal na dumaan sa butas ng karayom bago naabot ang kinalalagyan ngayon.

Hindi sa hirap, hindi sa pagod, kundi sa panghuhusga’t alipusta.

Kwento ni Rex, tingin ng ilang Pinoy pambabae lang ang sport. Nagdalawang isip siyang magpatuloy noon dito.

SM food to go Banner Ad

“Growing up nga ganun ang pag-iisip ko, na pambabae ang sport. Kaya ako naging hesitant at first joining the volleyball team, kasi akala ko ‘yun nga, pambabae,” pag-amin ng 25-anyos na spiker sa Volleyball DNA.

“And meron kasi sa school namin growing up talaga – may stereotype talaga na lahat ng naglalaro ng volleyball, they were gay,” dagdag pa niya.

Kahit nag-alangan, marami siyang tiniis bagong naging miyembro ng Cignal HD Spiker sa Spikers’ Turf.

Nakapag-Philippine Team din siya na naka-silver medal sa 30th Southeast Asian Games PH 2019. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.