Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Intelligence officer ng Norzagaray PNP tiklo sa kotong

0 69

Arestado ang hepe ng intelligence division ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS) sa isinagawang entrapment operation ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) dahil sa kasong pangongotong diumano sa loob ng nasabing istasyon, Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang naarestong pulis na si Police Staff Sgt. Jonathan Dela Cruz, chief intelligence officer ng Norzagaray MPS na hindi na nakapalag nang posasan ng kanyang mga kabaro matapos ang isinagawang entrapment operation.

Hindi umano sinama ng suspek ang motorsiklo sa imbentaryo sa mga nakuhang ebidensya mula sa isang drug suspect na kanilang hinuli nitong Agosto 26 at ipinapatubos niya ito sa halagang P10,000 sa mga kamag-anak.

Lingid sa kaalaman ng pulis ay humingi ng tulong sa PNP-IMEG ang mga kaanak ng hinuli nilang drug suspect kaya kinasa ang operasyon laban kay Dela Cruz.

Sa ngayon ay dinala na ang suspek na pulis sa PNP-IMEG detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.