Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Intelligent machine’ ikakalat sa Paranaque

0 417

Nagsanib-puwersa sina Paranaque Mayor Edwin Olivarez at League of Municipalities of the Philippines (LMP) president Luis ‘Chavit’ Singson sa pagtatayo ng mga ‘intelligent machine’ para mapabilis ang mga financial transaction na bahagi ng makabagong normal na dala ng COVID 19 pandemic.

Naglagay ang LMP sa pamamagitan ng Gracia Telecommunications Corp. ng mga automated payment machines (APMs) o mga intelligent machine sa loob ng munisipyo at piling barangay para sa mas madaling transaksyon sa pagbabayad gamit ang customized euro master visa (EMV) card.

“We are very fortunate with this new partnership with LMP and Gracia Telecoms as we strengthen our collaborative efforts to advance the local government’s initiatives towards e – governance,” paliwanag ni Olivarez.
Aniya, ang APMs na ilalagay din sa mga pangunahing barangay ng lungsod ay makakatulong sa mga customer at mga local government unit (LGU) para mapabilis ang mga transaksyon gamit ang makabagong teknolohiya.

“One of the core functionalities of the APM is to serve as both billing and loading kiosk depending on the needs of the transacting party. The machine can also accept online payments of government taxes and purchases, withdraw and deposit money or remittances, and buy cellphone ‘loads, ” dagdag ni Olivarez.
Layunin ng proyekto na maiwasan ang face to face transaction sa gobyerno na mabisang hakbang para maiwasan ang pagkalat ng virus.

“We want to provide an alternative and reliable digital payment solutions that will cover any type of transactions in the local government” ayon naman kay Singson na siyang mayor ng Narvacan, Ilocos Sur, at chairman ng Gracia Telecoms.
Naniniwala naman si lawyer Melanie Malaya, hepe ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) na napapanahon ang partnership nila Gracia Telecom ngayong panahon ng pandemic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.