Abante Tonite Interactive

Inter State nanagasa sa 3YO Maiden Race

188

Nakipagkaskasan sa unahan si outstan­ding favorite Inter State upang sikwatin ang panalo sa 3-year-old & Above Maiden Race kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Hindi hinayaan ni apprentice rider PM Cabalejo ang sinakyan niyang si Inter State na makalayo sa largahan si Inggit Ka Lang, sinaba­yan ito bago kinuha ang unahan papasok ng far turn.

Sa home stretch ay kampante na sa unahan si Inter State habang nasa likuran niya ang malayong segundo liyamado na si Quiet Whisperer.

May anim na kabayo ang distansya ni Inter State kay Quiet Whisperer pagtawid ng meta habang tumersero si Inggit Ka Lang.

“Ang sarap dalhin ni Inter State, masunurin, dire-dretso ‘pag pinakawalan mo,” masayang sabi ni Cabalejo.

Dumating na pang-apat si Flashy habang fifth place si Blue Mist sa event na may karagdagang P10,000 peremyo para sa winning Horse owner, inisponsoran ng Philippine Racing Commission. (Elech Dawa)