Abante Tonite Interactive

International Gamefowl Festival 2020 simula na

253

Mga klasmeyt ngayong araw na ang simula ng three-day International Gamefowl Festival 2020 na gaganapin sa SMX Convention Center, MOA, Pasay City.

Pagkakataon ninyo nang makitang malapitan ang mga idol niynong breeder, at siyempre baka makakuha pa kayo ng kanilang palahi.

Punta kayo mga kasabong, masisiyahan kayo dahil may mga pinapa-raffle rin na mga manok at inahin. Malay ninyo manalo kayo.

May mga nagpapa-seminar din kaya kahit paano madadagdagan ang mga kaalaman ninyo sa pagmamanok.

Kaya huwag manghinayang magbayad sa entrance sulit naman ang pagpasok ninyo mga klasmeyt.
***
Sa mga nagpi-PM po sa akin pasensya na po kung hindi ko nasasagot lahat, ‘yung iba rito na lang sa DALUSAPI ko sasagutin kasi halos pareho naman ang mga tanong. Sa susunod na Biyernes ay ‘yun ang magiging topic ko. Mga tanong ninyo tungkol po sa conditioning at pointing.

Ang masasabi ko lang, ang isasagot ko sa inyo ay base sa mga nakausap kong bigtime breeder at mga handler nila.

May kanya-kanyang estilo sila, pero siyempre isa lang ‘yung ishi-share ko para ‘di kayo malito.
***
Malapit na ang Fiesta ng Pandacan, sana maging masaya ang mga klasmeyt natin doon, hehehe… Good luck po sa inyo… Mabuhay!