Abante Tonite Interactive

Internet gawing basic service sa Pilipinas

By
1,930

Pinasusundan ng isang kongresista ang yapak ng Canada sa pagdedeklara ng broadband bilang basic telecommunications service upang masiyahan ang publiko sa paggamit ng mabilis na internet.

“Our sense is, the quickest way to provide all Filipinos, especially those in the countryside, high-speed internet access is for us to do what the Canadians did,” pahayag ni Makati City Rep. Luis Campos Jr.

Ang tinutukoy ni Campos ay ang hakbang ng gobyerno ng Canada na iproklama ang broadband o high-speed internet access bilang basic service, at ihilera ito sa kategorya ng landline telephone.

Nabatid na inatasan ng Canadian Radio-Television and Telecommunications Commission (CRTC) ang lahat ng telecommunications player sa nasabing bansa na mag-alok sa mga consumer sa buong Canada ng internet connection speed na 50 Mbps.

Gayunman, para matiyak na hindi maiitsapuwera ang rural district ay inatasan ng CRTC ang mga telecommunication firm na magbahagi ng kalahati ng isang porsiyento ng kanilang revenue para pondohan ang rollout ng broadband facilities sa mga hindi pa napagseserbisyuhang mga lugar.

“High-speed internet access has become essential for every Filipino family to enjoy a superior quality of life, and for small businesses to succeed,” dagdag ni Campos.

Ang pahayag ay ginawa ni Campos dahil sa pagkaantala ng third telecommunication player.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay pang- 12 sa pinakamaraming internet user sa buong mundo.

Mahigit sa 54 milyong Pinoy ngayon ang gumagamit ng internet o katumbas ng 52 percent ng populasyon, ayon sa Internet World Stats (IWS).