Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Internet shop, review center, cinema buksan sa GCQ

0 236

Irerekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) sa COVID-19 task force na payagan na rin ang pagbubukas ng mga internet shop, tutorial, review center, internet shop at drive-in cinema sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Kasama rin sa hinihirit ng DTI na muling makabalik sa kanilang operasyon ang mga negosyong nag-aalok ng serbisyo sa mga parlor, salon, spa at pet grooming.

“Meron po kaming mga idadagdag pa na bubuksan mula sa category IV to category III. Yun po yung idi-discuss pa namin sa IATF (Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases). Katulad po ng mga ilang relatively safer na activities ay hopefully mapayagan na under GCQ,” ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez.

Ihihirit aniya nila sa task force ang balik-operasyon ng mga tutorial testing center, review center at internet cafe dahil gagamitin naman ito para sa pag-aaral ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.

Nauna nang pinayagan ng IATF na i-reclassify ang mga industriyang pahihintulutang magbukas sa ilalim ng iba’t-ibang quarantine level para makatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.(Mia Billones/Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.