Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Internet speed itatakda sa batas

0 224

Sa pamamagitan ng Senate Bill No. 471, umaasa si Senador Grace Poe na mahihikayat nila ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) na maglagay ng standard para sa serbisyong inaalok ng mga telecommunication company at internet service provider.

“Dapat magtalaga ang NTC at DICT ng tamang internet speed,” pahayag ni Poe sa “Laging Handa” press briefing.

Ang SB No. 471 ay tinalakay na sa pagdinig ng Senate committee on public services na pinamumunuan ni Poe.

Sa ilalim ng panukalang ito na inihain ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, magkakaroon ng minimum internet download speed na 10 megabits per second para sa mobile broadband/internet at 20 mbps para naman sa fixed at fixed wireless broadband/internet access.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.