Abante Tonite Interactive

Interpol sumaklolo na vs primary suspect sa Horacio hazing

By
14

Tumutulong na ang International Police Organization o Interpol para matunton sa Estados Unidos ang isa sa pangunahing suspek sa pagpatay kay Horacio Castillo III.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Director Joel Coronel, tiniyak naman ng Interpol na makakapagbigay sila ng feedback kaugnay ng pagtunton sa mag-inang sina Ralph at Rosemarie Trangia na bumiyahe sa Amerika isang araw matapos madiskubre ang pagpatay kay Castillo.

Sinabi pa ni Coronel na tinatapos na lamang ng MPD ang pinal na ulat ­para pormal na nilang mahiling sa Department of Foreign Affairs (DFA) na makansela ang pasaporte ng mag-inang Trangia.

Sa oras na makansela­ ang pasaporte ng dalawa, lalabas na sila ay mga undocumented alien kaya­ mapapabilis na ang pagpapa-deport sa kanila pabalik sa Pilipinas.

Naniniwala rin si Coronel na dahil mahigpit ang administrasyon ni United States President Donald Trump sa immigration policies, hindi sila mahihirapan na pabalikin sa Pilipinas ang mag-inang Trangia at paharapin sa reklamo kaugnay sa pagkamatay ni Castillo.