Abante Tonite Interactive

Intrega muna kay misis bago ipusta sa “Manok na Pula”

0 520

Mga kasabong trending yung kantang “Manok na Pula”.

Tuwing magbubukas ako ng FB ko palaging bumubungad sa akin ang awitin, minsan pini-PM at nilalagay pa sa wall ko ng mga kasabong ko, nakakatuwang pakinggan at talaga namang sa totoong buhay ay nagyayari yung i-intrega mo na lang sa pamilya mo yung pera ay naipupusta pa natin.

Dito sumasama ang tingin sa ating mga sabungero at maging ang asawa ay nagagalit.

Kaya sana mga klasmeyt huwag natin gawin yung nasa muisika para ‘di negative ang tingin sa atin ng ibang mga tao.

Unahin muna natin ang ating pamilya, i-safe natin muna ang panggastos nila at saka magsabong para kung anuman ang maging resulta ay tiyak na walang problema hindi ka makakarate tulad ng nasa kanta, hehehe..

Sa totoo lang marami kang puwedeng pagkakitaan sa sabong huwag lang haluan ng kalokohan ay maaari kayong umunlad.

Kaya mga klasmeyt bago dumaan sa sabungan at ipusta sa Pula ay magbigay ka muna kay misis para Good Vibes palagi.

***

Opps October 11 na, malapit na laban namin mga klasmeyt, sali kami ng tropa ko sa 6-Stag King Slasher sa Candon City, 2-Stag elims muna sana makapasok.

***

Sa mga maglalaban ngayong Linggo Good Luck sa inyo magsipanalo sana kayo…