Abante Tonite Interactive

Intriga sa ilong: Hindi niyo kami pakain – Christian

0 1,912
tonite-imo-vinia-vivar
Hanggang ngayon ay ipinagtataka ni Christian Bables kung bakit kinukuwestiyon ang tangos ng kanyang ilong at inaakusahan siyang nagparetoke.
“Nakakatawa na dito lang sa Pilipinas kinukuwestiyon ang ilong, nakakatawa,” pahayag ng aktor kahapon sa mediacon ng Recipe for Love ng Regal Entertainment.
“To tell you honestly, medyo nakakatawa na lang, ano? Kasi may mga ganito though I don’t want to explain, my mom is Spa­nish, my lolo is pure Espanyol. Kung makikita n’yo ang ilong ng lolo ko, mas matulis, ka­yang makahiwa ng cake sa tulis ng ilong. Nagkataon lang kasi siguro na ang tatay ko ay Indian, so, naghalo,” paliwanag ni Christian.
Hindi nga rin niya alam kung bakit ayaw tumigil ang mga tao sa tsismis na nagpagawa siya ng ilong.
“Kahit ipakita ko ‘yung picture noong bata ako, grabe, I cannot believe I’m defending my looks, ‘di ba? Kung baga, kahit naman ipakita ‘yung pictures ko noong bata ako, ganito pa rin siya. Nag-mature lang ang hitsura ko pero ganito pa rin siya, eh.
“Anong magagawa ko, biniyayaan tayo ng good looks? Hindi sa pagmamayabang, dahil ayan ang bina-bash ng mga tao, parang kasalanan ko ba kung hindi kayo sanay na may ganitong hitsura, ‘di ba?”
Dagdag pa niya, mabuti pa raw sa ibang bansa dahil kapareho niya lahat ang ilong ng mga tao.
“Nakakatuwa nga kasi sa ibang bansa, kahit saan ako tumingin, kailong ko ‘yung mga tao. So, ang sarap sa ibang bansa,” natatawa niyang sabi.
Aminado rin ang aktor na talagang noong una ay apektado siya sa akusasyon.
“At first, yes, it did affect me. Naaapektuhan ako kasi bakit ganu’n? Hindi ko ma­laman-laman bakit ang taas-taas ng standards ng mga Pinoy when it comes to beauty, eh ‘yung nagse-set ng standards na ‘yun, kung titingnan mo siya, nasa’n ang beauty, ‘di ba?
“Ang sa akin lang, huwag kayong mamuna kung mayroong ikakapuna sa inyo,” ani Christian.
When asked kung wala ba siyang balak magpabawas ng ilong para matigil ang mga basher niya, ani Christian, “Wala. Why would I give a damn?”
Hindi raw niya kaila­ngang baguhin ang sarili niya para lang ma-satisfy ang mga basher.
“Kung baga, hindi n’yo naman kami pa­kain, sorry, triggered ako. Hindi naman kayo ang nagpalaki sa amin, so why did you set a standard na kayo lang ang masa-satisfy?
“Iyon ang gusto kong matutunan ng bashers.­ Sana, you’ll learn how to love yourself so that you can love others,” pagtatapos ni Christian.
Samantala, finally ay maipapa­labas na ang Recipe for Love sa Nov. 21 kung saan ay kapareha ni Christian si Cora Waddell who announced her pregnancy yesterday at the presscon.
Mula sa direksyon ni Joey Reyes, kasama rin sa movie sina Myrtle Sarrosa, Sophie Albert at Enrico Cuenca.
***
Dennis laging may hawak na baril
Hindi mapigilang maintriga ng mga netizen sa upco­ming Kapuso series na Cain at Abel dahil sa caption na “Kakampi. Kaaway. Kapatid” sa litrato ni Kapuso Drama King Dennis Trillo na may hawak na baril sa Instagram post ni Primetime King Dingdong Dantes.
Dumoble pa ang excitement ng mga netizen nang magpasilip pa ng ilang eksena si Dennis sa pamamagitan ng kanyang Instagram story. Makikita sa video na nagkakagulo ang mga residente sa Tondo, Manila dahil sa kaengkuwentro ng aktor.
Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit tila la­ging may hawak na baril si Dennis. Well, ‘yan ang dapat abangan ng mga manonood sa serye na malapit na malapit nang magsimula.(Vinia Vivar)