Abante Tonite Interactive

Intsik bumulusok sa Burgundy McKinley condo, patay

By
215

Ito ngayon ang masu­sing sinisiyasat ng Parañaque City Police sa pagkakatagpo sa bangkay ng isang Chinese national na nahulog mula sa isang condominium sa Parañaque City kahapon.

Kasalukuyang nakala­gak sa Peoples Funeral Homes sa Las Piñas City ang biktimang si Guanghal Yuan, 36-anyos upang isailalim sa awtopsiya.

Batay sa report na natanggap ng Southern Police District

(SPD), alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng mga guwardiyang naka-duty sa isang parking area sa ikalawang palapag ng Burgundy McKinley Place na matatagpuan sa Brgy. Don Galo, Parañaque City.

Kaagad na ini-report sa Parañaque City Police ang insidente at sa pagresponde ng mga ito ay naabutan nila ang biktima na nakahandusay at wala nang buhay.

May hinala ang pulisya na posibleng nahulog mula sa isang mataas na lugar ang biktima at bumagsak lamang ito sa nabanggit na parking area.

Gayunpaman ay patuloy pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya.