Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inulan ng fake booking, Kris Bernal nagpasaklolo sa NBI

0 220

Nagreklamo sa National Bureau of Investigation (NBI), ang aktres na si Kris Bernal matapos mabiktima ng 23 fake food deliveries noong Sabado ng gabi.

Nabatid na sunud-sunod ang padala sa kanya ng Grab food ng mga pagkain gayung wala naman siyang inoorder.

Sa Instragram post ni Bernal, ang food delivery ay ginawa ng isang Jenjen Manalo gamit ang cellhone number 09510652215, Jenny Santerya at Kian Vargas.

Sinabi ni Bernal na nagreklamo ito hindi lang para sa kanya kundi para na rin sa mga grab drivers dahil hindi biro ang presyo ng mga pagkain. Humingi rin ng tulong si Bernal para mai-report ang ganitong panloloko sa Grab Philippines.

“Lahat naman gusto at the end of the day ay marami silang makuhang booking dahil diyan sila kumikita at ang liliit lang ng kita ng mga Grab drivers so gusto ko sila bigyang justice.” (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.