Abante Tonite Interactive

Inuman nauwi sa pikunan, utol inutas

0 447

Patay ang 76-anyos na lalaki matapos itong pagtatagain ng kanyang kuya nang magtalo ang mga ito habang nag-iinuman kamakalawa nang gabi sa bayan ng Liloy, Zamboanga Del Norte.

Hindi na umabot nang buhay si Alfredo Espinas Pizon, habang naaresto naman ang suspek na si Solomon Espinas Pizon, 78, pawang mga residente ng Brgy. Goin.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-11:55 nang gabi habang nag-iinuman ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay nang magtalo hinggil sa hindi pa batid na bagay.

Sa gitna ng pagtatalo ay hinamon ng biktima ng suntukan ang kanyang kuya subalit imbes na kumasa ito sa suntukan ay kumuha ito ng itak at pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang una. (Edwin Balasa)