Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inuumaga sa Pagtulog

0 137

Marahil hindi lang ako ang nahihirapang matulog. Mula nang tumama ang Covid-19 pandemic, inaabot ako ng madaling araw bago dapuan nang antok. Kung minsan nga, pasikat na ang araw bago pa ako makatulog. Sa totoo lang, masakit sa ulo kapag wala sa oras ang tulog. Iba pa rin talaga ang tulog sa gabi kaysa umaga.

Ayon sa ilang eksperto, hindi nakakatulog sa oras ang isang tao dahil sa pag-aalala at pagkabalisa. Posibleng dulot pa rin daw ito ng pangamba sa epekto ng pandemya sa kabuhayan. Maraming buhay na ang nawala, negosyong nagsara at mga nawalan ng trabaho. Hangga’t wala pang katiyakan kung kailan mapupuksa ang Covid-19, mananatili ang agam-agam sa bawat isa.

Importante pa rin ang hanggang walong oras na sleeping hours kada araw. Importante rin daw na may regular exercise at mag-maintain ng right diet.

Sa mga alcoholic d’yan, iwasan uminom ng alak. Hangga’t maaari, avoid drinking coffee too. Malamig ang panahon ngayon kaya madalas tayong mag-kape lalo na sa gabi. Pero may caffeine content ito na nakapagpapabuhay nang diwa at isip.

Huwag masyadong magpa-stress sa trabaho o eskuwela. No mental work after 6pm. Hangga’t maaari, huwag na mag-isip nang kung anu-ano sa gabi para makapahinga nang maaga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Try supplements. Mainam din kung may iniinom kang vitamins para mas maging mahimbing ang iyong tulog.

Drink hot milk or tea. Uminom ng maligamgam na gatas o kaya’y chamomile tea. It will keep you warm. Mabilis ka ring makakatulog. Wala pang tiyak na basehan, pero ayon sa ilang eksperto, mabisa rin ang green tea, hindi lang sa mahimbing na pagtulog kundi sa paglaban din sa Covid-19.

Iwasang magtrabaho sa gabi. Huwag mag-schedule ng early meeting. Karaniwan kasing pinupuyat mo ang sarili mo sa trabaho kapag may maagang meet-up ka the next day.

Have a comfortable bedroom. Importante na malambot ang iyong higaan para komportable kang matulog. Patayin din ang ilaw kung mas makatutulong ito sa mabilis mong pag-idlip. Kung kaya ng budget, mag-install din nang aircon sa kuwarto.

Cover your eyes and ears. Para sa iba, mas mabilis silang makatulog nang may cover ang mga mata at tenga.

Ang sa akin lang, huwag kaliligtaang manalangin bago matulog. ‘Yan ang pinaka-importante. Ipagdasal na maging mahimbing ang iyong pagtulog para maganda at masigla ang gising sa darating na umaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.