Abante Tonite Interactive

Investment sa barangay, tiktikan — DILG

279

Magpapalabas ng direktiba ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga barangays official na manmanan o i-monitor ang mga investment schemes sa kanilang lugar, upang maiwasang mabiktima ng mga ganitong uri ng panlilinlang ang publiko at matangayan ng kanilang pinaghirapang salapi.

Sinabi ni Interior Undersecretary Epimaco Den-sing III, magpapalabas si Secretary Eduardo Año ng department order na nag-aatas sa mga barangay officials na maging vigilante at aktibo laban sa mga grupong sangkot sa mga investment scam.

Pinaalalahanan rin niya ang mga local government officials na tiyaking ang mga may-ari ng investment companies ay may awtorisasyon mula sa mga kaukulang ahensya, gaya ng Securities and Exchange Commission (SEC), Department of Trade and Industry (DTI), bago bigyan ng permit na makapag-operate. (Dolly Cabreza)