Abante Tonite Interactive

Invisible Tiktok Challenge

2,898

Magtatatlong linggo na ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon. Ibig sabihin, magtatatlong linggo ka na ring tambay sa bahay. Bawal lumabas at gumala dahil sa banta ng pagkalat ng COVID-19.

Sure ako, bagot na bagot na kayo. Sa sobrang boring nga, maraming netizens ang kinain na rin ng sistema, tama ba? Welcome to the Tiktok Nation!

Parami na nang parami ang mga Pinoy na gumagamit ng Tiktok ngunit ano ba talaga ang super trending app na ito?

Ang Tiktok ay isang social video application na dinevelop ng Byte Dance, isang Chinese internet company noong 2016.

Talagang mabilis na pumatok ang app na ito lalo na sa mga kabatan kaya naman sa ngayon ay mayroon nang half billion users ang Tiktok.

‘Di maikakailang nakakaaliw talaga ang mga video ng netizens at celebrities sa kanilang pagsayaw, pag-lip-sync, at paggawa ng comedic skits.

Isa sa mga patok na video ngayon sa Tiktok ang Hubad Challenge kung saan gumagamit ng invisible filter ang user. Kaya kahit maghubo’t hubad sa harap ng camera, hindi siya makikita.

Hindi ito aprub sa ilang technical experts.

Ayon sa kanila, dapat mag-ingat sa paggawa ng challenge na ito sapagkat ang ‘raw’ at ‘unfiltered videos’ na ina-upload sa Tiktok ay napupunta rin sa kanilang computer database.

Dahil dito, may posibilidad daw na ma-transfer sa porn sites ang unfiltered videos. Nakasaad din sa terms and conditions ng Tiktok app na hindi nito responsibilidad kung saan man makarating ang mga video na ina-upload ng users.

Puwede pa rin namang ma-enjoy to the max ang Tiktok at mag-shoot ng funny videos as much as you like. Pero maging maingat lang sa mga ina-upload at patuloy na protektahan ang personal at pribadong aspeto ng buhay. (with inputs from John Rey Ibañez)

 

Tonite – Wendys Inhouse Ad