Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ion ‘di trip ang mamahaling gift ni Vice

0 202

NI:VINIA VIVAR

Bilang selebrasyon sa kanilang monthsary ni Ion Perez ay nag-vlog si Vice Ganda titled Monthsary (The 1000 Gift Challenge). Ipinakita nila ang kanilang paghahanap ng regalo sa isa’t isa na dapat daw ay hindi lalampas sa P1,000.00 ang presyo.

Magkahiwalay silang nagpunta sa mall para maghanap ng regalo with matching safety protection, of course.

Siyempre, dahil galante si Vice Ganda, nahirapan syang maghanap ng gift for Ion na worth 1k lang. Pero nakatutuwa si Ion dahil marami siyang naisip na ibigay sa dyowa niya sa nasabing halaga.

Finally ay nag-settle si Ion sa mga lucky charm and zodiac sign bracelets na aniya, sure siyang ma-appreciate ni Vice.

Nakakaaliw naman si Vice dahil ang una niyang binili ay helmet na nagkakahalaga ng P14,000.00. Ipinaliwanag niyang hindi raw ito pasok sa challenge and obviously, ito ang kanyang totoong monthsary gift sa dyowa.

Ang nahanap naman ni Vice na less than 1k na gift ay hand grip.

Nakatutuwa rin ang reaksyon ni Ion nang ibigay ni Vice sa kanya ang mamahaling gift dahil hindi mo siya makikitaan na parang gustong-gusto niya ang expensive gift which means hindi mamahalin o materyal na bagay ang hangad niya sa dyowa. In fairness to him, mas natuwa pa siya sa hand grip.

Kaya naman puring-puri siya ng mga netizen sa comments section.

“Ion has never changed. He is the same simple,joyful man God bless you both,ViceIon!” komento ng isang netizen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.