Abante Tonite Interactive

Ion maang-maangan sa relasyon kay Vice

323

Have we heard all of these before? Hindi na ito bago pero sa mga nananalig na may relas­yong pangmalakasan na sina Ion Perez at Queen Bayot Vice Ganda, masaktan kaya sila sa mga payanig ni Perez na sila ni Jose Marie, ang official status, hindi “in a relationship” at mas lalong hindi “it’s complicated” kundi: “Sobrang malapit lang kami sa isa’t isa” at ang mga live audience sa “It’s Showtime” kasama na rin ang mga ibang host sa show, misinterpreted nga ba ang kanilang closeness?

Ano ito? Bagay ba kina Ion at Vice na maging theme song ang “Bakit Di Na Lang” ni Carol Banawa na may mga lirikong “Bakit ‘di na lang totohanin ang lahat.

“Ang kailangan ko’y paglingap… Dahil habang tumatagal ay lalo kong natututunang magmahal.

“Baka masaktan lang…”

Pagpapakatotoo pa ni Kuya Escort sa chikahan na mahal niya si Viceral bilang kaibigan.

Sobrang bait nito at wala namang ginagawang masama sa kanya.
Kabaitan begets kabaitan.

Walang masamang ginagawa kaya wala rin siyang masamang ginagawa.
All for show ang pampakilig, para sa ratings nga lang ba?

Kailan nga kaya magkakaroon ng lalaking pangmalakasang ipagmamayabang na “Oo, may relasyon kami ni Vice Ganda!”

Sa pag-aming ito ni Ion, may pagbabago kaya sa turingan nila ni Queen Bayot on and off the camera?

O sadyang prinoprotektahan ni Perez ang kanilang friendship, sa kanila na muna kung ano talaga meron sila, para hindi maging hinog sa pilit?

***
Sarah nag-wifey photo kay Matteo

Very wifey duty ang dating sa diva that you love ng isang larawan kung saan si Sarah Geronimo ang naglagay ng pin sa balikat ni Matteo Guidicelli sa Donning of Rank ceremony ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan 2nd lieutenant rank na ang iginawad kay Matteo.

Beaming with pride si Sarah at may larawan pa nga silang magkatabi at kitang-kita sa dalawa ang ngiting tagumpay na may large doses of pagmamahalan para sa isa’t isa.

Blooming ang isang kembot at kandirit na lang yata ay official Mrs. Matteo Guidicelli na in her sleeveless white dress with black accents at ang kisig at mas lalong gumwapo ang future ama ng mga anak ni Geronimo in his military get up.

Kasama rin sa nasabing ce­remony ang familia ni Matteo.

Dahil nga si Sarah ang nag-pin kay Matteo, hindi talaga puwedeng ipagkaila pa na para sa mga Guidicelli, part of the family na ang nag-iisang Pop Star Princess, huh! Sa true lang tayo, kakilig talaga ang pagmamahalan nilang dalawa, ipinaglalaban ng pangmalakasan kaya dapat suportahan.

(Alwin Ignacio)