Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ion may viral video sa romansa kay Vice

0 473

Nag-viral ang video ni Ion Perez .Sinasabi niya kung ano ang kanyang birthday wish.

Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Ion last Saturday (Nov. 27) at binigyan siya 3-layered cake ng kanyang It’s Showtime family.

Tinanong ni Ruffa Gutierrez ang dyowa ni Vice Ganda kung ano ang birthday wish nito.

“Sana maging normal na ang lahat. Siyempre, samin ni Meme, maging strong pa kami lalo,” sey ni Ion na ang tinutukoy na Meme of course ay si Vice.

Kinilig naman ang mga hosts sa sagot ni Ion. Maging ang mga netizen at fans ni Vice Ganda ay natuwa’t nag-viral nga agad ang video sa rami ng nag-share.

Komento nga nila, nakakatuwa talaga na hindi materyal na bagay ang hiling ni Ion kungdi tungkol sa relasyon nila ni Vice.

Samantala, sa Instagram Story ni Vice ay ibinahagi niya ang ilang videos ng b-day celebration ni Ion. Bagama’t simple lang ito, makikita silang nasa isang restaurant kasama ang mga piling kaibigan.

Halata naman sa mukha ni Kuya Escort ang sobrang happiness.

Pia umiyak sa mga baguhang beauty queen

Bilang Miss Universe 2015, maraming beauty queen aspirants ang humihingi ng payo kay Pia Wurtzbach.Hindi naman siya madamot sa pagbibigay nito.

SM food to go Banner Ad

“I’m always open to giving advice,” aniya sa kanyang vlog. “Hindi naman ako ‘yung lahat ng beauty queens, ‘uy, gusto mo ba ng advice? Uy, ikaw, gusto mo ba? Uy, ikaw, gusto mo ng advice? Bigyan kita ng advice.’ Hindi naman ganu’n, di ba? Pa’no pag sinabing ‘no’, pahiya naman ako.

“Pero siyempre, pagka lumapit sa akin, ta’s humingi ng advice, game na game ako siyempre. Naku, alam mo, kung ako naman, hindi ako nakakuha ng advice sa mga nauna sa aking beauty queens, wala rin naman akong matututunan, di ba? Hindi rin naman ako makakakuha ng mga ideas o ng mga advice.

“Kaya ‘pag lumapit sa akin, very generous ako sa pagbigay ng advice.”

At hindi lang daw nga advice ang pwede niyang ibahagi. Willing din daw siya na ibigay kahit anon’g pangangailangan ng mga aspiring beauty queens.

“Kahit anon’g kailangan nila. ‘Yun ang lagi kong sinasabi, ‘anything you need.’ Gamit for the pageant or advice, sige. Or pep talk, game. Game na game ako diyan. At nae-enjoy ko siya,” she said.

Patuloy pa niya, “at this point in my life, okay na ako, eh. Alam mo ‘yun? Nakuha ko na ‘yung big dream ko which is Miss Universe. Tuloy-tuloy pa rin naman ang trabaho ko ngayon.

“Ang sarap ng feeling na maging part ka ng success ng ibang tao. Ang sarap ng feeling ng maging part ka ng journey nila.

“So, sa akin, kung meron akong matutulungang mga beauty queens, tapos manalo sila, ang sarap ng feeling.”

Kaya nga kapag nakakakita siya ng crowning moments ng mga beauty queens ay naiiyak din daw siya dahil alam niya rin ang feeling because she’s been there.

“Alam ko ‘yung journey, alam ko ‘yung paghihirap, alam ko ‘yung iyak, pawis, hay! I know what’s behind those tears of joy. It’s a long time of dreaming and preparing and challenges,” sey ni Pia.

Leave A Reply

Your email address will not be published.