Abante Tonite Interactive

Ion muntik layasan ang ‘It’s Showtime’

611

Nakaranas na rin si Ion Perez ng matinding pamba-bash mula sa mga netizen. Muntik pa nga siyang mag-resign sa ‘It’s Showtime’ dahil dito.

Ani Vice, “Si Ion po ay minsan nang nag-resign dito sa Showtime dahil sa sobrang bashing na inaabot niya. Hindi niya kaya. Umiiyak siya lagi sa nanay niya. Sabi niya magtitinda na lang daw siya ulit ng kakanin sa Tarlac, kaya niya naman daw. Magbabantay na lang daw siya sa palengke.”

Ang nasabing pagre-resign ay napigil ni Bobet Vidanes.

Samantala ,nasungkit ni Ion ang “Breakthrough Artist of the Year” sa LionHearTV’s RAWR Award.

Aniya, “Ni sa panaginip, ni sa guni-guni, hindi ko po naisip na mabibigyan ako ng ganito. Kaya Nay, ‘yung kasama mong nagtitinda ng kakanin may award na.” (Rona Ronda)