Abante Tonite Interactive

Ion pinagdudahang bading sa relasyon kay Vice

1,506

Ininterbyu ni Ogie Diaz si Ion Perez for his YouTube vlog habang lumilibot-libot sila sakay ng sasakyan at dito ay maraming nalaman ang publiko tungkol sa binata at sa relasyon nila ni Vice Ganda.

Ikinuwento ni Ion na hindi pa man sila magkakilala ni Vice Ganda at pinapanood lang niya sa “It’s Showtime” ay concerned na siya sa comedian.

“Nu’ng wala pa ako sa ‘Showtime’, pinapanood ko pa lang ‘yan, si Vice, parang ‘pag umiiyak siya, parang ang sakit. Parang nararamdaman mo rin ‘yung mga sinasabi niya na parang ramdam mo siya, kasi oo nga, lagi nga niyang sinasabi, hanggang kailan siya magiging clown na parang ‘yun, pinaglalaruan siya, pinagsasamantalahan siya.

“Kaya nga sabi ko du’n kay nanay, sa nanay ko, ‘pag kasama ko siyang nanonood, ‘nay, kawawa naman si Vice’ sabi ko. ‘Oo nga,’ sabi ng nanay ko, ‘kasi parang ginagamit lang siya,’ ganyan-ganyan.

“Pero ako, hindi ko naman po in-expect na makakapunta ako ng ‘Showtime’ talaga. Wala po akong plano nu’n na pasukin ‘yan,” kuwento ni Ion.

Nai-share rin ng binata kung paano siya napunta sa “It’s Showtime”. Aniya, dati raw ay nasa pageant world siya at nanalong Mr. Universe-Tourism. Nag-quit daw siya sa kanyang reign dahil may hindi sila napagkasunduan ng humahawak sa kanya. Isang buwan na raw siyang bakante nang tawagan daw siya ng nasabing noontime show.

Noong una ay wala pa raw siyang nararamdaman kay Vice pero lagi na raw niyang tinitingnan ito kapag nagsasalita. Hindi raw niya ine-expect na one day ay magkakaroon sila ng relasyon dahil for him, okay na raw sa kanya na maging kaibigan nito.

“Hindi ko rin talaga in-expect na darating kami sa ganito, hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko kasi sobrang bait ni Vice. Hindi mo rin ako masisis ba’t ako na-in-love sa kanya kasi sobrang bait niya talaga,” pahayag ni Ion.

Sey naman ni katotong Ogie, kaya hindi raw talaga totoo ang iniisip ng iba na ginagamit lang ni Ion si Vice dahil kahit siya ay hindi raw niya nararamdaman ‘yun.

“Matagal ko nang kaibigan si Vice at siyempre, naging manager pa ako ni Vice, hindi ko sa ‘yo ‘yun naramdaman, kasi natuwa ako sa ‘yo nu’ng binabantayan mo sa ospital si Vice. Saka ‘yung alam mo ‘yung tipong nasa isang sulok lang, wala kang kibo, tapos, saka ka lang kikibo kapag kinakausap ka,” sey naman ni Ogie kay Ion.

Ang nakakabilib ay ang diretsong tanong ni Ogie kay Ion kung bading din ba siya since nagmamahal nga siya ng isang bading, na sinagot naman ng binate.

“Hindi po,” diretso ring sagot ni Ion. “Sobrang straight po ako. Nagkataon lang na nagmahal ako sa isang bakla.”

Ikino-consider daw niyang girlfriend niya si Vice at never na raw siyang manliligaw pa ng babae.

“Dati po, hindi ako naniniwala sa forever, pero ngayon, nararamdaman ko na makakasama ko siya talaga nang matagal,” sey ni Ion na ikinakilig ni Ogie.

When asked kung may plano silang magpakasal tulad din ng ibang gay-to-man at gay-to-gay relationship, ani Ion ay may time na napag-uusapan nila pero hindi naman daw sila nagmamadali.

“Basta nagkakaintindihan kami ngayon, nagmamahalan kami, darating din po siguro ‘yung time na ‘yun na magpapakasal,” ani Ion.

Pinuri-puri ng netizens si Ion dahil sa pagiging sincere at humble nito. Komento nila, mukha naman daw totoong mahal nito si Vice at hindi nga ginagamit.

***

Ruru ‘di nakasipot sa launching ni Ka Tunying

Matagumpay na idinaos ni Anthony Taberna aka Ka Tunying at misis na si Roselle Taverna ang launching ng Panlasang Makabayan Day ng kanilang Ka Tunying’s Restaurant held last Friday sa SM North Tower. Whole-day event ang selebrasyon at dumating ang mga kaibigan ng mag-asawa mula sa mundo ng politics and showbiz. Naroroon sina Richard Poon, Ejay Falcon, Department of Trade Secretary Bernardo Romulo-Puyat, atbp.

Sayang nga at hindi nakarating si Ruru Madrid na gusto pa namang ma-interview ng press. Tila nasa Cebu ang aktor daw kaya ‘di nakasipot.

Ang Panlasang Makabayan ang bagong branding ng Ka Tunying’s Restaurant. Bagong logo at bagong dishes ang hatid nila para sa mga customer.

Sa naturang launching ay pinasilip ng mag-asawa ang disenyo ng bagong restaurant na bubuksan sa Tagaytay sa Dec. 15. This will be the 10th Ka Tunying branch at magsisilbing flagship restaurant dahil ito na raw ang pinakamalaki. Kamakailan lang binuksan ang kanilang 9th resto sa Terminal 3 Domestic Departure ng Ninoy Aquino International Airport.

Bukod dito ay may mascot na rin ang Ka Tunying Restaurant na si Tonton na ipinakilala rin sa press sa naturang event.

Nagsimula lang na panaderia ang Ka Tunying na naging bakeshop, naging café at ngayon ay full restaurant na. Maging si Richard Poon ay na-amaze sa bilis ng pag-unlad ng Ka Tunying Restaurant in just a span of 4 years. Being a businessman himself ay alam niyang napakahirap magtayo ng negosyo.

Good thing, kahit busy si Ka Tunying sa kanyang napakaraming branches ay hindi naman niya iniiwan ang kanyang mga shows sa ABS-CBN at DZMM tulad ng “Umagang Kay Ganda” at “Dos Por Dos”. Sa pagiging broadcaster/TV anchor siya nakilala kaya hindi raw niya iiwan ang trabahong mahal na mahal niya.