Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ion, Vice kinabog engagement nina Jessy, Luis

0 205

NI: VINIA VIVAR

Sa gitna ng ingay at kontrobersiya sa engagement nina Jessy Mendiola at Luis Manzano, may sarili ring eksena ang magdyowang sina Vice Ganda at Ion Perez. Mukhang kinakabog nila.

Nag-post si Ion ng larawan nila ng dyowang si Vice Ganda na magkahawak-kamay sa kanyang Instagram account last Monday.

Caption ni Ion, “yung moment na ayoko ng matapos! O loko.”

Sumagot naman si Vice sa comment section ng “O loko! Di nyo kaya!”

Sagot naman ulit ni Ion, “di talaga!”

Pinagpistahan ng mga netizen ang post at kilig na kilig sila. Biro nila, engaged na rin daw yata ang dalawa at ikakasal na rin.

Komento pa ng isang netizen, “we’re ready na for the special announcement mother horsey! Nawa’y di na toh hopia anetch? Hahaha.”

Ang isang follower naman ay nagkomento ng “paano po magpalamon sa lupa dahil sa kilig???!!!

Reaksyon naman ng isa, “ANG LANDE NYO TALAGA KAHIT KELAN.”

Pagbibiro naman ng iba, napakayabang daw ni Vice Ganda dahil nga proud na proud sa kanya si Ion at ipinagsisigawan talaga kung gaano siya kamahal.

Ang iba namang fans nila ay masayang-masaya sa nakikitang kaligayahan ng dalawa at sana raw ay forever na talaga ang kanilang relasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.