Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ipa-takeover sa 11K mga empleyado: ABS-CBN arborin kay Duterte

0 365

Hinikayat ng ilang kongresista ang 11,000 manggagawa ng ABS-CBN Corp. para magpetisyon kay Pangulong Rodrigo Duterte at kunin sa mga Lopez ang pamamahala sa operasyon ng network.

Sinabi ni AnaKalusugan Rep. Mike Defensor na madali para sa mga ABS-CBN employee na magtake-over sa network dahil alam na nila ang pasikot-sikot ng pasilidad.

“Kung magkakisa ang union at mga supervisor, i-petisyon nila ang Presidente at NTC (National Telecommunications Commission) at payagan sila, bukas gawin na nila ang pagpapatakbo ng ABS-CBN,” saad ni Defensor.

Siniwalat naman ni Deputy Speaker Dan Fernandez na nakikipag-usap na ito sa ilang technical employee, producer at artist mula sa ABS-CBN na gustong bumuo ng kanilang grupo na posibleng mag-takeover sa network.

“Kung susuportahan ng Kongreso, i think they are willing to have this kind of set up na kailangan lang talaga, merong mag-initiate. Think this is the right, producers, actors, blocktimers like Dreamscape, they are just waiting kung ano ang magiging agos natin. Naninimbang din sila, buhay nila ang nakasalalay. Hindi naman sila pwede umasa sa ABS-CBN na alam nilang wala na talagang mangyayari. I-push natin ‘yan para makatulong naman tayo sa mga empleyado ng ABS-CBN,” sambit ni Fernandez.

Sabi pa ni Defensor, “I can speak on behalf my peers and whatever will be the initiative of the workers, magkaisa na kayo, kayo na magpatakbo sa inyo ‘yan at kung ano man ang kita ay mapupunta rin sa inyo. Tutulong kami (Congress) sa inyo.”

Gayunman, kahit nawala sa kompanya ang frequency nito, sa kanila pa rin ang mga equipment, facility, building at iba pang kailangan para mai-operate ito kaya mungkahi ni Defensor, humiling ng lease-to-own arrangement ang mga empleyado sa mga Lopez.

Para naman kay Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta, mas mabuti kung mapapaalis ang mga Lopez sa Mother Ignacia property, dahil state property aniya ito.

“’Yung pagkuha natin ng titulo ang unahin natin. I-eject na lang natin sila (Lopez), peke naman ang titulo nila. wala silang mabubuhat doon (from the property). Ang lupa sa gobyerno at ‘pag tinakeover ‘yun, madali silang makakapag-program doon.”

Hinimok naman ni Cavite Rep. Boying Remulla ang mga kasamahan na magpulong sa susunod na linggo para pagplanuhan ang action plan ng Kongreso kasunod ng pagbasura ng ABS-CBN franchise application.

Leave A Reply

Your email address will not be published.