Abante Tonite Interactive

Ipapatapon ko sa South China Sea ang nangharass – Chinese ambassador

By
2,109

Tiniyak ni Chinese Ambassador to the Phi­lippines Zhao Jianhua na mapaparusahan ang mga miyembro ng Chinese Coast Guard kapag napatunayan ang bintang sa kanila ng mga mangingisdang Pinoy.

Si Ambassador Zhao ay kasama sa miyembro ng diplomatic community na dumalo sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite kahapon nang umaga.

Ayon sa Chinese ambassador, iniimbestigahan na ng kanilang gobyerno ang insidente at kapag napatunayang kinuha ang nahuling isda ng mga Pinoy sa Scarborough shoal ay may katapat na parusa ang mga ito.

“As the saying goes, if the alleged report of Chinese Coast Guards illegal or forcefully taking the catch of Filipino fishermen is true, let me say in English there is a saying, ‘Even in the best regulated families, accidents happen.’ So we always have bad apples but if we have bad apples, you know what I’m going to do, I’m going to throw into the South China Sea and feed the fish.

“There will be discipline in accordance with our own regulations. I’m not sure about the details because it will be, the investigation is being conducted by competent agencies and they have their own corresponding regulations,” ani Ambassador Zhao.

Tiniyak ng Chinese ambassador na mananatili ang naunang napagkasunduan na payagang mangisda ang mga Filipino sa paligid ng Scarborough at hindi nila papayagang kumilos ang Chinese Coast Guard na makakasakit sa mga mangingisdang pinoy.

Kasabay nito nilinaw ng Chinese ambassador na hindi papayagang makapasok ang mala­laking bangka sa bahura dahil hindi kinukunsinti ang commercial fishing na maaring makasira sa lugar at maging dahilan para maubos ang mga isda.