Abante Tonite Interactive

Ipatapon sa buwan Young male singer sobrang kupal

0 215

tonite-no-thanks-cristy-ferminKailangan nang iupo nang seryosohan ng mga nag-aalaga ng kanyang career ang isang young male singer. Sumosobra na ang kanyang kaangasan.

Nakapanghihinayang siya kung mauuwi lang sa wala ang kanyang pinaghirapan. Maraming mas sikat pang singers kesa sa kanya ang hindi nagpapautang nang masasakit na salita sa publiko.

Kuwento ng aming source, “Ewan kung bakit nagkakaganyan ngayon ang batang ‘yun! Dati naman, e, simple lang siya, may po at opo pa nga siya kapag kinausap mo, pero nakapagtataka kung bakit napakaangas na niya ngayon!

“Gusto siguro niyang makilala siyang rock star, may lisensiya raw kasi ang mga rock star na magmaangas, ang mag-astang sikat na sikat na!

“Pero self-des­truction na ang ginagawa niya, nakapanghihinayang siya, sa totoo lang,” napapailing na reaksiyon ng aming source na sumubaybay sa singing career ng bagets.

Pati ang mga manunulat ay tinatawag ng hunghang na ito sa iba-ibang pangalan. Sumosobra na sa talas ang kanyang dila. Gusto pa niyang turuan ang mga reporters tungkol sa tamang pag-iinterbyu.

“E, di siya na! Siya na talaga ang pinakamahusay na singer ngayon! Siya na ang pinakamatalino! Siya na ang lahat-lahat! ‘Yun ang pinakamali niyang ginawa, ang ipamukha sa mga reporters na kups sila!

“Sumosobra na siya! Pagkatapos niyang away-awayin ang isang young male singer na hindi naman siya inaano, e, galit na galit na siya ngayon sa mundo!

“Kailangan na siyang turuan ng leksiyon. Kausapin na dapat siya ng mga taong puwede niyang pakinggan. Makinig naman sana ang batang ‘yun para hindi masayang ang mga pinaghirapan niya, pati ang pangarap niya!

“Naku, hindi na kami magtataka kung isang araw, e, ipatapon na lang siya sa buwan ng mga taong nasasaktan niya!” pagtatapos ng aming source.
***

Aljur, Kylie ibinibenta ang bahay

Ibinebenta na ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla ang tinitirhan nilang townhouse sa Scout Fuentebella. Ilang taon pa lang ang nakararaan nang bilhin ‘yun ng aktor.

Plano nilang bumili ng lupa sa isang subdivision, patayuan ‘yun ng bahay, para sa lumalaki na nilang anak na si Alas. Walang garden ang kanilang townhouse para mapaglaruan ng kanilang anak.

Maghapon lang itong nasa loob ng bahay kasama ang yaya kapag pareho silang may trabaho. Ni hindi nakalalabas si Alas dahil kalye na agad ang bubungad sa gate.

Kapag walang trabaho ang mag-asawa ay sinasamantala nila ang pagkakataon para maipasyal si Alas, kung minsan ay kinukuha ni Mommy Amor ang kanyang apo, tuwang-tuwa ang bata kapag nakalalabas ito ng bahay.

Sabi ni Mommy Amor, “Nu’ng minsang kunin ko si Alas dahil sunud-sunnod ang trabaho nina AJ at Kylie, tuwang-tuwa siya! Pinaglaro talaga namin siya nang pinaglaro sa labas, kitang-kita mo ang saya sa mukha ng apo ko!

“Paano naman, ni wala silang kahit kapirasong garden lang na puwedeng paglaruan ng bata, kaya maghapon lang siyang nasa loob ng bahay kasama ang yaya niya.

“Kaya tama lang na ibenta na nila ang townhouse, bumili na lang sila ng lote na patatayuan nila ng bahay na may enough space para may mapaglaruan si Alas,” kuwento ng mommy ni Aljur.

Tamang punto. Kung ang mga alaga nga nating aso ay hinahanapan natin ng panahong maipasyal, ang tao pa kaya, na na­ngangailangan ng sikat ng araw at sariwang hangin.

Sayang ang townhouse kung tutuusin dahil malapit ‘yun sa lahat, marami na ring naipagawa si Aljur mula nang tumira sila du’n, pero mahalaga para sa kanila ni Kylie ang kanilang anak na lumalaki na at kailangang makaramdam ng kalayaan.