Abante Tonite Interactive

Ipatutupad na radical change ‘di nationwide Martial Law — Digong

By
750

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Du­terte na hindi nationwide Martial Law ang tinukoy nitong ipapatupad na radical change sa susunod na mga araw.

Ayon sa Pangulo, hindi uubra ang nationwide Martial Law dahil magkakaroon ng pagkakahati-hati sa bansa sakaling ipatupad ito at hindi rin national emergency dahil umiiral na ito mula pa noong nakalipas na taon.

“Martial Law nationwide is not feasable­. It won’t work. First of all, it’s going to be a divided nation. It’s going­ to divide the nation. Might think of something else, except Martial Law.

I have declared national emergenc­y already. It’s existing but we have a unique style of handling itong national emergency,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na uunahi­n niya ang mga pulis at mga taong gobyerno sa ipapatupad na radical change subalit tumangging pangalan ang mga ahensiyang masasakop ng kanyang plano.

Binigyang-diin ni Pangulong Du­terte na magiging mahigpit siya sa mga pulis at ibang taga-gobyerno at hindi niya palulusutin ang mga ito, kasama na dito ang mga local executive na nagpabaya sa problema sa droga. (­Aileen Taliping)