Abante Tonite Interactive

Ipinaglihi sa tungayaw

453

KAPITBAHAY MO, I-BLIND ITEM MO

Hello po. May kilala ba kayong ginagawa ng almusal, pananghalian, meryenda at hapunan ang pagmumura? Nasabi ko ‘yan dahil dito lang sa lugar namin sa Pasig ay may kapitbahay akong ganon na gustong-gusto ko nang supalpalin ang bunganga dahil nakakairita na sa tenga.

Kababaeng tao pa na naman at may-asawa na’t mga anak ay naka­gawian na yata ang ganong kapa­ngit na ugali. Sabi nga ng iba, ipinag­lihi raw sa tungayaw ang ganong klaseng tao.

Una kong napansin ‘yang si Aling Marina nang mag-Maynila na ko para magtrabaho.

Nakikituloy ako dito sa pamangkin ko dahil kakalog-kalog naman sila sa bahay. Siyempre kailangan praktikal din para rin sa pamilya ko. Ang kaso lang itong si Aling Marina na tinawag na ritong Mrs. Nakamura ay nakakasira talaga ng araw at gabi. Ewan ko ba dito sa ibang mga kapitbahay namin kung bakit hindi pa ipetisyon ‘yun at ipatapon sa Tawi-tawi. Dapat sa babaeng ‘yun ay pinapaaresto na sa pulis. Masamang impluwensiya sa mga bata ‘yun ah! Kahit sa sa­rili na lang nilang mga anak ay hindi magandang halimbawa.

Ang mga anak ko nga sa probinsya, ayokong nasasanay magmura. Hindi ko talaga gusto ang ugali ng Mrs. Nakamura na ‘yan. Sa nga­yon, magtitiis na muna ko hangga’t kaya ko pa.

Salamat and more power to all!
Obet of Pandacan, Manila