Abante Tonite Interactive

Ipit gang umatake sa bus, timbog

221

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng ­Makati City Police ang lider ng ipit gang at apat na miyembro nito matapos nilang tangayin ang mga cellphone ng mga pasahero ng isang pampasaherong bus kamakalawa ng gabi sa lungsod.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng pulisya ang mga suspek na sina Ruel Bautista, 48-anyos, lider ng naturang gang, John Paul Perez, 39; at Richie Reyes, 27, pawang mga taga-Maynila; Romero Flores, 31, ng Pinagbuhatan St., Pasig City; at Ramil Bitoy, 34, ng Brgy. Muzon, Taytay, Rizal.

Sa salaysay ng ilang biktima, binabaybay ng sinasakyan nilang bus ang kahabaan ng EDSA nang pagsapit sa Buendia Avenue ay napansin nilang nawawala ang kanilang cellphone. Itinigil ng drayber ng bus ang sasakyan sa isang gasolinahan na saktong may nagpapatrolyang pulis.

Abante Hiring – IT dep

May hinala na ang mga biktima sa suspek at nang magpositibong nasa kanila nga ang mga cellphone ay agad na itong dinakip ng ­pulisya.

Nakuha sa mga suspek ang 8 cellphone na mula sa mga nabiktima.

Nakatakda nang sampahan ng kasong theft ang mga suspek na kinumpirma ng pulisya na mga notoryus na sa pambibiktima ng mga pampasaherong bus.