Abante Tonite Interactive

Ipon ng female personality malapit nang maubos

0 886

NAPAKALAKI ng pinaghihinayangang oportunidad ng isang mabentang-mabentang female personality ilang taon na ang nakaraan. Ayon sa mga impormante ay panipis na nang panipis ang kanyang naiipon ngayon.

May nakatabi pa rin naman siya, pero hindi na ‘yun kakasya sa kanyang mga pangangailangan kapag wala pa rin siyang mga proyekto, tulad ngayon na matumal na ang kanyang career.

Kuwento ng isang source na may alam sa pinagdadaanan ng female personality, “Sangdamakmak na salapi ang dumaan sa mga palad niya. Reynang-reyna talaga siya nu’n!

“Bongga ang mga projects na ginagawa niya, mabenta pa siya sa mga shows abroad, kaya naging bonggang-bongga rin ang pasok ng pera sa kanya.

“Nabili niya ang lahat ng luho niya, nagkaroon siya ng housing authority na wala nga ang iba na mas sikat kesa sa kanya, sinuwerte talaga ang girl,” unang kuwento ng impormante.

Pero may mas malaking balon ng kayamanan nu’n ang babaeng personalidad, hindi niya kailangang magtrabaho nang maraming araw at magdamag, sa sandaling oras lang ay madatung na siya agad.

Patuloy ng aming source, “Naku, madyikera ang babaeng ‘yun! Sa ilang oras lang, e, may milyones na siya agad-agad! Konting pa-sexy lang, datung na agad ang ibig sabihin nu’n!

“Makipag-date lang siya sa mga wrangler na humahanga sa katawan niya, e, may talent fee na agad ‘yun! At hindi barya-barya lang, ha?

“E, paano pa ang main event? ‘Yung hindi basta date-date lang? ‘Yun ang talagang nag-akyat nang sangdamakmak na salapi sa girlash na ito!

“Meron pa nga siyang pinagsabay, di ba? Girl na siya ng father, girl pa rin siya ang son! Nakakaloka siya!” napapailing na kuwento ng aming source.

Meron pa naman siyang nailalabas ngayon, pero hindi na siya kasingbongga nang dati na anumang magustuhan niya ay nakukuha na niya agad sa isang pitik lang ng mga daliri niya, preno na siya sa paggastos ngayon.

Huling sultada ng aming source, “Akala niya kasi, e, may forever! Akala niya kasi, e, hindi siya tatanda! Ang akala niya kasi, e, hindi babagsak ang katawan niya!”

Sharon nilait kesa kaawaan

MAS mabuti sanang hindi na lang nag-post si Sharon Cuneta tungkol sa pagkairita ng kanan niyang mata na naging dahilan ng pagpapagamot niya sa Makati Medical Center.

Totoong nagkaroon ng iritation ang kanyang mata, hindi simple ang ganu’ng bagay, dahil baka nga naman lumala pa kung hindi niya agad patitingan.

Pero dahil du’n ay nagkaroon na naman ng pagkakataon ang mga netizens at bashers na pakainin siya ng ampalaya. Sa halip na maawa sa Megastar dahil meron nga siyang dinaramdam ay kabaligtaran pa ang nangyari.

Pinagbintangan siyang inililihis ang isyu sa kanila ng kanyang anak na si KC Concepcion dahil mas maraming kumakampi sa kanyang panganay sa hindi nila pagkakaintindihan.

Ang nangyari raw sa kanyang kanang mata ay isang uri ng karma dahil ang sarili lang niya ang kanyang iniintindi sa panglalaglag sa anak niya on national television.

May isa pang nagkomento, “Ayan, namaga tuloy ang mata niya dahil sa kababasa ng mga negang comments tungkol sa kanya!”

Maganda ang intensiyon ni Sharon sa pagpo-post ng nangyari sa kanya, pero hindi niya naisip na hanggang ngayo’y may isyu pa rin sa pagitan nilang mag-ina, kaya ginamit na bala ‘yun laban sa kanya ng mga bashers.

Tama ang kaibigan naming propesor, “Huwag na kasing ipino-post pa ang mga ganu’ng scenario. Puwede namang nagpagamot na lang siya ng mata niya, pero hindi na ‘yun kailangang malaman pa ng buong mundo!

“Tingnan niya ang nangyari, instead na kaawaan siya, e, nilait-lait pa siya at pinagbintangan ng kung anu-ano!

“Piliin na lang kasi ang mga ipo-post! Kasi naman si Sharon, pati ba naman ‘yun, e, kailangan pa niyang ipagmakaingay?” sabi ni prop.