Abante Tonite Interactive

#IponIponDin

0 243
Isa na yata sa ­patok na New Year’s resolution nating mga Pilipino ang pagnanais na makaipon ng pera.
Iba-iba ang dahilan natin sa pag-iipon ng pera. Ang ilan, gustong may contingency fund sakaling may emergency.
Pantustos naman sa pag-aaral ang rason ng iba sa pagta­tabi ng pera. Mas marami ang gustong maka­tulong sa pamilya. Pero ang iba, may travel goals kaya todo ang pag-iipon.

Ang lahat ng ito – madaling sabihin pero ­mahirap gawin.
Ayon sa ilang financial expert, importanteng may talaan ng gastos kada araw upang malaman kung saan napupunta ang pera at paano ito magagasta nang wasto.
Kung pupunta sa ­supermarket para mag-grocery o sa mall para mag-shopping, gumawa ng listahan ng mga bibilhin. Kontrolin ang sarili sa pagbili ng mga ­bagay na hindi naman kailangan.
Sa page ng kilalang motivational speaker na si Chinkee Tan, sinabi niyang kilala tayong mga Pilipino sa INCOME LESS EXPENSE EQUALS SAVINGS. Bagay na nakaugalian na pero mali kung iisipin at pagninilayan.
Ang ta­ma, ayon kay Tan – INCOME LESS SAVINGS EQUALS EXPENSE.
Ibig sabihin – sa oras ng sahod, agad na magtabi ng mala­king porsiyento para sa iyong savings. Pagkasyahin ang matitira para sa iyong expense o gastos.
Sa totoo lang, ­ma­raming tukso sa paggasta.
Mabilis tayong ma-tempt lalo na kung pa­kalat-kalat ang pera at abot-kamay lang.
Importanteng mayroon tayong pinaglalagyan ng ating ipon – ‘yung mahihirapan tayong dukutin ang pera.
Umiwas sa mga lugar na mapapagastos at taong magastos.
Maging ang Bangko Sentral ng Pilipinas, hinihikayat tayong mag-ipon ng pera sa pamamagitan ng kampanya nitong #IponIponDin.
Nitong 2017, na­pag-alaman ng BSP na bu­maba ang bilang ng mga pamilyang may ipon sa bangko.
Nasa 35.6% noong huling tatlong buwan ng 2017, mula sa 26.8% noong Hulyo hanggang Setyembre.
Ang sa akin lang, ­ipon-ipon din ‘pag may time. Importanteng may madudukot sa bulsa oras na mangailangan ka ng pera.