Abante Tonite Interactive

Iprisinta ang titulo ng inyong lupa sa mga nagki-claim

By
184

Dear Atty. Claire,
Good day po,
Tanong ko lang po sa kinatatayuan po kasi ng bahay namin ay binenta sa mga magulang ko noong 1968.. at marami pong nakiusap na makitayo ng bahay sa lugar namin.. at ngayon naman po may nagki-claim po ng lupa at pinapaba­yad po kami ng 300k per 25sq. pero wala pong pinapakita silang titulo sa amin. Ano po maganda namin gawin?
Salamat po, Maricris

Ms. Maricris,
Unang una mong gagawin ay ipakita mo sa nagsasabi na kanila ang lupa ang katibayan na ang lupa na kinatatayuan ng bahay ninyo ay matagal na ninyong nabili sa may-ari. Inaasahan ko na may titulo na kayo ng lupa upang mapatunayan ang inyong karapatan.

Ang tanging problema na nakikita ko ay kung ang binilhan ng mga magulang mo ay hindi tunay na may-ari ng lupa — iyan ang magi­ging issue ninyo kapag humantong kayo sa korte.

Kung na taong nagsasabi na siya ay may claim sa lupa ay dapat lamang na hingan ninyo ng ebidensiya. Magtanong din sa Register of Deeds ng tunay na estado ng lupang tinitirhan ninyo. Huwag munang makipagkasundo at mabigay ng pera kaninoman dahil baka maloko lamang kayo sa bandang huli.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624/922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com