Abante Tonite Interactive

Iran last assignment ng Gilas

By
Nakabawi kagabi ang Gilas Pilipinas laban sa Chinese Taipei-A (White) sa Day 2 ng 39th Jones Cup 2017 sa Taiwan nang ibuhos ng Nationals ang ngitngit sa Taiwanese, 88-72. (PBA image)
6

Tatapusin na lang ng Gilas Pilipinas ang last game ngayon sa 39th Jones Cup 2017 sa Taipei Heping Gymnasium sa Taiwan bilang baon para sa susunod na buwang 29th International Basketball Federation Asia Cup 2017 at 29th Southeast Asian Games 2017.

No-bearing game para sa Pilipinas ang alas-singko ng hapong pakikipagbuno sa may laro pa kagabing Iran (3-4) kontra Chinese Taipei Blue (4-3).

Manalo-matalo, wala na rin sa medal-finish ang Filipino quintet dahil sa pagselyo kagabi ng South Korea ng sixth win sa eight games sa 93-77 pagde­molis sa Iraq (4-4).

Wow naman ang 3-point shooting ng PH squad nang paliguan kahapon ang India, 101-70, para sa pinakaastig na nilaro sa 10-team, 9-country, 9-day annual hoopfest tungo sa 5-3 win-loss record lang at isalya ang Indians sa 0-8.

Labu-labo na lang sa championship at sa gold-silver-bronze ang Canada (7-1), Lithuania (7-1) at Koreans, ang pare-parehong mga tumalo sa mga Pinoy rito.

Naka-5-for-5 beyond-the-arc si Matthew Wright pa-19 points sa pagbalikat sa Nationals, habang si Mjyot Singh Gill ang bigong tumipa ng 25 pts. para sa Indians.

Tatalbog ang FIBA Asia Cup sa Agosto 8-20 sa Nouhad Nawfal Stadium sa Zouk Mosbeh, Lebanon at ang SEA Games naman ay sa Aug. 19-30 sa Kuala Lumpur, Malaysia.