Abante Tonite Interactive

Iranian beauty queen binigyan ng refugee status

214

Pinayagan ng Department of Justice (DOJ) ang Iranian beauty queen na Bahareh Zare Bahari na manirahan sa Pilipinas matapos nitong humingi ng asylum dahil sa pangamba sa kanyang buhay.

Una nang sinabi ni Zare na siya ay papatayin sa Tehran kapag siya ay ipina-deport ng Pili­pinas dahil sa na­ging posisyon niya kontra sa gobyerno ng Iran.

Nabatid na ang beauty queen ay naging kinatawan ng Iran sa Miss Intercontinental 2018 pageant na ginanap sa Manila at dumating sa Manila noong Oktubre 16 galing sa Dubai.

Nabatid na pinigil sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dahil sa red notice mula sa International Criminal Police Organization (Interpol) dahil sa ginawa niyang pananakit sa kapwa Iranian.

Sinabi ni Bahari na naniniwala siya na isang mataas na opisyal ng Iran embassy ang masusing sumusubaybay ng kanyang aktibidad sa Maynila.

Ayon sa DOJ pina­yagan ang asylum ng beauty queen alinsunod sa 1951 Convention relating to the status of refugee and its 1967 Protocol.

“Refugee is the status accorded under international law to one is outside his or her country of nationality (or if without nationa­lity, his or her habitua­l residence) because of a well founded fear of being persecuted on account of race, religion, etc. Asylum is the protection given to that person by the country in which the application for re­cognition as a refu­gee is filed,”ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Nalaman na noong Nobyembre 6 nilagdaan ang asylum ng beauty queen.(Juliet de Loza –Cudia)