Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Irelyn idol si Nora

0 334

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi nakapagtatakang ang Superstar na si Nora Aunor ang paboritong singer ng talent ng NVP1 World na si Irelyn Arana.

Malumanay, malinis at maganda rin kasi ang boses ni Irelyn. Kagaya rin niya si Ate Guy na bata pa lang din nang magsimulang sumali sa mga singing competition.

“Elementary pa lang sumasali na ko sa mga singing contest. Ang last competition na sinalihan ko ay noong WCOPA 2016 na naging multi-medalist at semifinalist bilang vocal solo,” pahayag ni Irelyn.

Dagdag pa ng talent ng Total International Entertainer na si Nick Vera Perez, ang kanyang pamilya at mga kaibigan daw ang nagpursige sa kanya para pagbutihan lalo ang pagkanta.

Pop, ballad at slow songs ang mga klase ng inaawit ni Irelyn. Pero tsika nito, naging sagabal din daw sa pagkanta niya noon ang mga responsibilidad niya sa kanyang mga magulang.

“Kailangan ko kasing ituloy ang trabaho ko bilang nurse sa US dahil ako ang breadwinner ng pamilya. Hinintay ko munang matupad ng mga mahal ko sa buhay ang kanilang mga pangarap bago ko binalikan at tinutukan muli ang pagkanta,” aniya pa.

Naniniwala rin si Irelyn na bigay ng Maykapal ang kanyang talento sa pag-awit. Nawala raw ang takot niya sa entablado para mag-perform, sa katunayan ay mas kakabahan pa aniya siya ‘pag pinasayaw siya.

“I sing because it makes me feel good and complete me as a person,” sabi pa ni Irelyn.

Ang payo ni Irelyn sa mga baguhang singers ay ‘wag umanong ikumpara ang sarili nila sa iba. Huwag isipin na mas magaling ka sa iba o mas magaling ang iba sa ‘yo. Lahat daw tayo ay unique, ganyan tayo nilikha ni God. Matutong i-appreciate kung ano ang meron ka.

At ngayong pandemic, naninindigan si Irelyn na may COVID man o wala ay dapat lang na patuloy na kumanta, mag-entertain at maging inspirasyon sa iba.

Samantala, bilang katuparan ng kanyang pangarap, malapit nang ilabas ang unang single ni Irelyn na pinamagatang ‘Karamay Ka’. Si Adonis Tabanda ang composer nito. Kasama ito sa album na ilalabas ni NVP ngayong taon. Mapakikinggan ito sa iba’t ibang digital platforms gaya ng iTunes, Spotify kaya abangan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.