Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Irene maldita sa stylist

0 109

Mukhang makakaapekto ng malaki sa image ni Red Velvet Irene (Bae Joo-hyun) ang isyu ngayon sa kanya.

May mga comment na kaming nababasa na halatang na-turn-off sa singer/actress. May mga nagsusulat at tila naniniwala rin na dati pa raw may balita kay Irene kung ano ang totoong ugali nito sa mga staff niya.

Naglabas kasi ng post na may kasamang audio recording ang stylist ni Irene .Naranasan daw niya ang hindi nito magandang ugali. Inilarawan pa ng stylist na “electric needles” ang mga pananalita nito at 20 minutes of hell daw with Irene. Nagawa nitong i-record para magamit kung sakaling mag-complaint siya legally.

May mga netizen naman na pumuri rin kay Irene at sinabing at least daw, mabilis itong nag-apologize sa kanyang stylist.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero tinitingnan naman ng iba na humingi ng paumanhin si Irene dahil hindi ito makakapag-deny at may recording. Kung nagkataong wala, malamang daw, itatanggi lang nito ang akusasyon at ng kanyang agency, ang SM Entertainment.

Naglabas din ng statement ang SM Entertainment at humihingi ng paumanhin sa nangyari at sa mga fan na posibleng na-disappoint.

Ayon din sa mga ito, nagkausap na raw ng personal sina Irene at ang stylist .Siniguradong binibigyang-halaga nila ang mga staff na nakakatulong ng kanilang agency at mga artist.

Narito naman ang public apology ni Irene.

“This is Irene.
I am sincerely sorry for hurting the stylist with my foolish attitude and careless words and actions.
Getting to this spot involved help from many people who worked together with me, but my immature actions caused greathurt and I regret that and am reflecting.
I’ve been looking back on the past because of this, and I’ve felt very embarrassed because of my lacking words and actions and I once again feel how precious the staff are.
I will be more cautious about my actions in the future so that this does not happen again.
I am sincerely sorry to the fans who support me and to everyone who has been caused concern because of this.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.