Abante Tonite Interactive

Iresponsableng pagtatapon ng basura

359

Dear Abante Tonite:

Nakakasama ng loob para sa mga nagmamalasakit sa ating kapaligiran itong balitang kabilang sa mga basurang nakolekta ng MMDA matapos ang pananalasa ng bagyong ‘Tisoy’ ay mga gamit na katulad ng sofa, refrigerator at gulong.

Grabe ang nagtapon ng mga nabanggit na ­kagamitan. Walang pakialam sa perwisyong dulot ng kanilang kawalan ng responsibilidad. Hindi na kataka-taka kung bakit tuwing panahon ng tag-ulan at nagbabaha ay ­nagkakasakit ang ibang kababayan natin dahil sa ­sari-saring basurang naglulutangan kapag umuulan bukod pa sa mga hayop.

Sa panahon ngayon na maraming paraan ng ­komunikasyon para malaman ang mga kaganapan sa mundo ay imposibleng hindi alam ng mga taong ito na mali ang kanilang ginagawa. Iligal ito dahil labag sa batas ang walang pakundangang pagtatapon ng basura sa maling lugar.

Sana makonsensya na kayo sa inyong mga ginagawa. May panahon pa para magbago at ngayon na.

Salamat po.

Menelaus ng Vitas, Tondo

Tonite – Wendys Inhouse Ad