Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Irish kalaboso sa marijuana, ecstasy

0 79

Kulungan ang bagsak ng Irish National nang mabuking ang dala niyang marijuana at ecstacy dahil nahulog sa kanyang bulsa habang nasa isang convenience store kamakalawa ng gabi sa Barangay Hulo, Mandaluyong City.

Ayon sa Eastern Police District (EPD), nakilala ang dayuhang suspek na si Ross Michael Kirwan, Irish national, 40-anyos at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naaresto ang suspek alas-7:30 Huwebes ng gabi sa Lawson convenience store sa Coronado St., malapit sa Acqua Residence Compound, Brgy. Hulo, nang balikan ng suspek ang kanyang nahulog na item.

Sa report, agad inaresto ang suspek matapos na personal na kunin at balikan ang nahulog na item sa convenience store na naglalaman ng isang large transparent plastic ziplock at dalawang small transparent plastic ziplock na high grade marijuana o kush na nasa dalawang gramo ang timbang at nagkakahalaga ng P2,400 at tatlong tablet na ecstasy.

Nakakulong ang suspek sa Mandaluyong detention cell. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.