Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Irish nakauwi na rin sa wakas

0 292

Tuluyan nang nakasakay ng eroplano para makauwi ang isa sa apat na atletang nakapag-qualify na sa sunod na taong 32nd Summer Olympic Games 2020 na si lady boxer Irish Magno matapos ang ilang beses na pagkakaantala at mahigit apat na buwang paghihintay na makabalik sa Iloilo.

Nagpalasamat ang 29-anyos na Ilongga na solong nagdiwang ng kanyang kaarawan sa nakaraang Lunes matapos maiwang mag-isa sa PhilSports Complex sa Pasi , sa post sa kanyang FB page habang bitbit ang ilang piraso ng bagahe para sa pagbabalik nito sa pamilya sa Januiay.

“Finally. Salamat po sa ABAP family, PSC, Janiuay, LGU, Governor’s Office and to my family,” ani Magno, na planong ipagpatuloy ang kanyang pagsasanay sa tahanan lalo’t muling naghigpit ang bansa sa pagpapatupad ng Modified General Community Quarantine sa maraming lugar. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.