Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Irish namigay ng sapatos sa atleta

0 212

“Sharing is Caring”, ito ang pinanghahawakan ni lady boxer Irish Magno upang makatulong sa ibang atleta.

Sa kanyang Facebook post kahapon, inalala ng miyembro ng Alliances of Boxing in the Philippines (ABAP) at 32nd Summer Olympic Games 2021-bound ang butas at lumang-luma ng mga sapatos na kanyang nang nagsisimula palag magboksing.

Gayun pa man, batid ng 28-anyos, 5-2 ang taas at tubong Iloilo na beteranang boksingera, na hindi ito hadlang upang maabot ang kanyang mga pangarap.

Kaya naman ngayon, pinamahagi Magno ang mga sapatos sa mga batang atleta upang kanilang magamit sa pagti-training

“Kung dati wala ako magamit na bago o magandang sapatos nong nagsisimula pa lang ako sa boxing. Ngayon,ito naman yung panahon para makapagbigay ng mga napaglumaan kong sapatos. Ayokong maranasan nila ang naranasa ko noon,” saad ni Magno. (JAT)

Leave A Reply

Your email address will not be published.