Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IRM ginatasan ng mga Philhealth Exec, Doktor

0 134

Ni Nancy Carvajal

Nabisto ang umano’y pagsasabwatan ng ilang ospital at health care institution (HCI) nang ura-urada ang mga itong magpasa ng aplikasyon hinggil sa Philhealth IRM program bago pa man mapirmahan ang resolusyon ng nasabing proyekto, ayon sa nakalap na report sa news site na Politiko.

Ang nasabing tip o impormasyon ay base na rin sa isinagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation.

“Nag unahan sa application, even the resolution have yet to be signed, the reason was baka maubusan ng pondo,” saad ng imbestigador sa Politiko, na tumangging magpatukoy sa media.

Bukod sa nasabing `advanced information,’ sinabi ng imbestigador na nabisto rin ng NBI ang ilan pang mga paglabag ng ospital at mga PhilHealth officials hinggil sa paglabas ng pondo o IRM funds.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang sa mga nabuking na paglabag ay ang pag-release ng Philhealth ng pondo nang hindi sinusunod ang public announcement policy bago pa man ito maimplementa, mga HCI na may pending cases pero nabigyan ng IRM funds, pagtanggap ng pondo ng mga non-COVID facilities at ang paggamit ng HCI ng pondo para sa mga non-COVID cases.

Sa nakalap anilang ebidensya ay malinaw na may sabwatang naganap.

“Connivance between HCI’s and Philhealth officials and employees is very clear based on evidence gathered, “ dagdag pa ng source.

Dahil sa nasabing katiwalian at sabwatan ay nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang mga ito.

“Criminal cases can be filed against the HCI’s and Philhealth officials based on these documented violations,” ayon pa sa source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.